Binatilyo utas sa kidlat

Halos natusta ang ka­tawan ng isang binatilyo habang limang iba pa ang grabeng nasugatan maka­raang tamaan ng isang malakas na kidlat sa Can­don, Negros Occidental kamakalawa.

Nakilala ang biktima na si Louie Paul Galvez, 17, magsasaka, residente ng Sitio Catmon, Bgy. Agboy ng nasabing bayan.

Kinilala naman ang isa sa mga mga sugatang bik­tima na si Renante Castro na mabilis na isinugod sa pagamutan.

Nagkakarga ng tubo sa isang cargo truck ang mga biktima nang biglang kumu­log at gumihit ang isang ma­la­kas na kidlat na tu­mama kay Galvez. (Joy Cantos)

Show comments