ILOILO CITY – Isang grupo ng mga pulis na rumeresponde sa isang kaguluhan ang tinambangan ng mga hinihinalang rebeldeng Revolutionary Proletarian Army sa Barangay Patong-Patong, bayan ng Janiuay kamakalawa ng gabi.
Namatay sa pananambang si Police Officer 3 Gildon Sullivan. Bahagyang nasugatan sina Police officers Francis Gabiano at Jonathan Limas.
Rumeresponde ang mga biktima sa isang reklamo na nanggugulo sa naturang lugar ang ilang lasing na rebelde nang tambangan sila. (Ronilo Ladrido Pamonag)