Trabaho para sa Bulakenyo

MALOLOS CITY, Bula­ can – Libu-libong trabaho ang naghihintay sa mga kabataang Bulakenyo dahil sa muling paglulunsad ng Summer Program for Employment of Students (SPES) at pagsasagawa ng dalawang job fair para sa mga call center agents.

Ayon sa Provincial Youth, Sports, Employment, Arts and Culture Office (PYSEACO), aabot sa 1,160 trabaho ang sisimulan sa Abril 1 hanggang Hunyo 15, 2008 kaugnay ng pro­gramang SPES kung saan ay aabot sa 100 kumpanya ang lalahok.

Sa mga nagnanais na maging call center agent ay magtungo sa Bulacan State University sa Marso 14 hanggang 15 na pangungu­nahan ng e-Performax Contact Center sa pakikipag­tulungan ng Salika Foundation ni Bokal Ariel Arceo.

Gaganapin naman ang ika-2 job fair sa Bulacan Polytechnic College sa Sa­bado ng Marso 15.

Kabilang sa mga posib­leng mabigyan ng trabaho ay ang mga magtatapos sa kursong Call Center Management at naglalaan ng pasilidad ang Philippine Long Distance Telephone at Convergys. 

Ayon kay Bulacan Gob. Jonjon Mendoza na ito ay bahagi ng programang Youth Initiate Program for Employment and Entrepreneurship para maging handa ang mga kabataan sa pagtatrabaho at pag­nenegosyo.

Samantala, may inisyal na 150 kabataang Bula­kenyo ang napagkalooban na ng trabaho ng Nestle Business Service at ina­asahang may 400 pang matatanggap bago matapos ang 2008. (Dino Balabo)

Show comments