Tusong tulak kalaboso

ORMOC CITY, Ley­te    Kalaboso ang bi­nagsakan ng isang ma­talinong tulak ng bawal na gamot makaraang masakote ng mga ope­ratiba ng Regional Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force sa isinagawang buy-bust operation sa bisi­nidad ng Carlos Tan Street, Ormoc City, Leyte noong Huwebes ng hapon.

Ang suspek na na­ha­harap sa kasong paglabag sa RA. 9165 (Anti illegal Drugs Act of the Philippines) ay nakilalang si Fidel Bation y Rosal, 37, ng Barangay Dist. 25.

Ayon sa hepe ng RAIDSOTF na si P/Insp. Rio Tan, ang sus­pek ay nasakote rin at nakulong may ilang taon na ang nakalipas bago muling bumalik sa pagiging drug pusher.

 Nasamsam sa sus­pek ang 4-plastic sachets ng shabu, P500 bill marked money, P550 na pinaniniwa­laang koleksyon sa droga at isang Honda Wave 125 motorcycle (HQ-2170). (Roberto Dejon)

Show comments