Mining firm sinalakay

Sinalakay at sinunog ng tinatayang may 50 rebel­deng New People’s Army ang isang mining firm sa panibagong paghahasik ng karahasan sa Maco, Com­postela Valley nitong Huwe­bes ng gabi.

Dakong alas-7:00 ng gabi nang sumalakay ang mga rebelde sa Apex Mines compound sa Brgy. Ma­sara, Maco. 

Agad na binu­husan ng gasolina at sinu­nog ng mga ito ang isang pay loader at apat na LPT. Kabilang naman sa mga armas na natangay ay limang M16 rifles, dala­wang shotguns dalawang cal .38 revolver at apat na handheld radios.  (Joy Cantos)

Show comments