Bangka lumubog: 2 lunod

CAMARINES NORTE – Dalawang mangingisda ang iniulat na nasawi habang 15 iba pa ang pinaghahanap matapos na lumubog ang kanilang bangka sa karagatang sakop ng San Miguel Bay sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte kamakalawa.

Natagpuan sa dalampasigan ng Bagasbasa Beach Resort sa bayan ng Daet ang bangkay ng isang ‘di-pa kilalang mangingisda habang ang bangkay naman ni Armando Borromeo ay nadiskubre sa bahagi ng Barangay Tarum, Mercedes.

Patuloy naman hinahanap ng mga tauhan ng Phil. Coast Guard ang may 15-mangingisdang nawawala. Kabilang naman sa mga nasagip ay sina Arsenio Mahinay, Sherwin Mahinay Edcel, Jelord Mahinay, Samuel Buefano, Caniel Morillo, Anthony Aragon, Ronel delos Reyes at ang mag-utol na Alberto at Jon-Jon Askarate na kapwa naninirahan sa bayan ng Real, Quezon. (Francis Elevado)

Show comments