Sekyu dedo sa estudaynte

QUEZON  – Aksidenteng nabaril at napatay ang isang 22-anyos na security guard ng isang estudyante na pinaniniwalaang hiniram at nilaro ang baril ng una sa guardhouse ng kanilang school sa Barangay Cagbalete 1, Mauban, Quezon, kamakalawa ng umaga.

Napuruhan sa ulo ng bala ng baril si Christian Gutierrez ng Titan Security Agency habang nasa custody ng lokal na Department of Social Welfare and Development ang suspek na itinago sa pangalang Mark,16, 4th year hayskul student sa Cagbalete Island National High School at residente ng Barangay Sadsaran.

Ayon kay PO3 Basilio Villabroza, nakarinig ng malakas na putok ng baril ang ilang estudyante at nang tunguhin ang lugar ay duguang nakabulagta ang biktima habang nakatulala naman ang suspek na hawak pa ang baril. Patuloy naman ang imbestigasyon sa nasabing kaso. (Tony Sandoval)

Show comments