32 atleta nalason sa pansit

CAMP CRAME – Tat­lumput dalawang atleta ang isinugod sa ospital makaraang ma­lason  sa kinaing pansit at adobong baka kama­kalawa ng gabi sa lala­wigan ng Antique.

Kasalukuyang nasa Antique General Hospital ang mga biktimang mag-aaral sa elementary  at hayskul na kala­hok sa Western Visa­yas Regional Athletic Association Meet.

Nabatid na isang linggo nang nananatili sa Antique National High School ang mga biktima para sa kani­lang training sa natu­rang athletic meet.

Napag-alamang  na­nanakit ang tiyan, na­­hilo at nagsuka ang mga estudyante maka­raang kumain ng pansit at adobong baka bilang hapunan. Patuloy na­man ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nabanggit na insidente. (Danilo Garcia)

Show comments