Kinarit ni kamatayan ang tatlong high school student ma tapos na aksidenteng sumalpok ang motorsiklong sinasakyan ng mga ito sa isang tangke ng gasolina sa Barangay Intaw, Barbasa, Antique kamakalawa.
Ang mga nasawi ay nakilalang sina Archie Magabilin at Kevin Santos, residente ng Brgy. Inalinan at Loven Amar ng Brgy. San Antonio ng nasabing munisipalidad at pawang estudyante ng Barbasa National High School.
Batay sa report, naganap ang trahedya sa highway ng Intaw dakong alas-8:55 ng umaga nitong Biyernes. Ayon sa mga testigo ang tatlong estudyante na pawang lulan ng motorsiklo ay sumalpok sa isang gasoline tanker na pag-aari ng Petron Corporation. (Joy Cantos)