Delivery man todas sa holdap

Camp Miguel Malvar, Batangas – Isang kawani ng door-to-door delivery ang napatay ng mga hol­daper matapos tangayin ang kanyang koleksyong pera sa Lemery, Batangas kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni  Senior Superintendent David Quimio, Batangas police director, ang biktimang si Ceasar Aquino, residente ng Ba­rangay Malinis ng nasabing bayan.

Ayon sa report, nag­lalakad sa may kahabaan ng highway sa Barangay District 2 ang biktima para magdeposito sana ng pera sa isang sangay ng Philippine National Bank nang holdapin ng mga suspek.  (Arnell Ozaeta)

Show comments