CAVITE – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang negosyanteng Tsinoy makaraang pumalag sa holdap sa bayan ng Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng hapon.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Willy Chua, 43, ng 5th Ave. Grace Park, Caloocan City. Ayon sa ulat, naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Romi Street sa Phase 1 na may hawak na bag na naglalaman ng malaking halaga nang harangin at holdapin ng suspek na si Joey Mulawin.
Sa imbestigasyon ni PO3 Larry Encabo, pumalag ang biktima kaya napiling pagbabarilin ng suspek na kaagad naman tumakas tangay ang malaking halaga.
Lingid sa suspek ay nasaksihan ng isang witness ang krimen kaya naipaabot sa pulisya ang insidente.
May teorya ang mga imbestigador na matagal na umanong pinag-aralan ng suspek ang galaw ng biktima kung kayat na tiyempuhan ito. (Arnell Ozaeta)