2 kelot naaksidente sa ‘White Lady’

Dalawa katao ang nasu­gatan nang maaksidente ang sinasakyan nilang mo­torsiklo makaraang  pagpa­kitaan umano sila ng isang “White Lady” na bumulaga sa kani­lang daraanan sa highway ng Bacnotan, La Union kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Moises Ogot, 33 at Renato Ogot, 37; pawang residente ng Barangay Narra ng nasabing bayan.

Binabagtas ng mga bik­timang lulan ng motorsiklo ang naturang lugar nang bigla umanong tumayo ang balahibo ng nagmamaneho nitong si Renato at ng kan­yang kaangkas na si Moises.

Halos mapasigaw sila sa matinding sindak nang big­lang mapukaw ang kanilang atensyon sa pagtawid ng white lady o multo ng isang babaeng nakasuot ng kulay puti na sa isang iglap ay big­lang naglaho sa kanilang paningin.

Dahil dito ay nawalan ng kontrol sa manibela si Re­nato bunsod upang sumal­pok at sumadsad ito sa tabing kalsada kung saan sugatan ang mga itong isi­nugod sa hospital.

Naniniwala naman ang mga residente sa lugar na isang ligaw na kaluluwang  hindi matahimik ang nagpa­kitang white lady sa dala­wang biktima.

Show comments