SUBIC BAY FREEPORT — Tinatayang aabot sa 179 miyembro ng Task Force Subic na pinaniniwalaang nakikipagsabwatan sa mga smuggler ang sinibak ni Presidential Anti-smuggling Group (PASG) chief Antonio Villar.
Ipinag-utos din ni Villar ang malawakang pagbalasa sa mga opisyal para mapalitan ng bagong unit na kakalaban sa patuloy na smuggling sa Subic Bay Freeport Zone.
Ang pagbalasa ay inihayag ni PASG Usec Villar sa ginanap na press conference kahapon kung saan nakasama niya sina Subic Bay Metropolitan Autho rity (SBMA) Chairman Feliciano Salonga at SBMA Administrator Arman Arreza kaugnay sa pagpapa-igting ng kooperasyon ng mga ahensya sa kampanya na pigilan ang mga tangkang pagpasok ng mga smuggled goods sa pangunahing Freeport ng bansa.
Hiniling din ni Villar kay Bureau of Customs (BoC) Commissioner Napoleon Morales na i-reshuffle ang mga collector sa nasabing Freeport.
Ang pagpapalit sa mga dating miyembro TFS ay gagawin na lamang 80 personnel para makakilos ang anti-smuggling group dahil sa posible aniyang nilamon na ng sistema at nakikipag-kutsabahan sa mga is magler ang kasalukuyang TFS.
Ang pagbalasa ay isinagawa makaraang mabuking na mailabas ang may 15 kahon ng mamahaling cellular phones na ipinapalagay na nagkaka halaga P45 milyon at ipinabalik din sa shipper ng international cargo courier.