Ex-broadcaster itinumba

KIDAPAWAN CITY  – Napaslang ang isang 50-anyos na dating brodkaster at reporter makaraang ba­rilin sa loob ng sariling tahanan sa bayan ng Po­lomolok, South Cotabato kamakalawa.

 Napuruhan sa ulo ng dalawang bala ng baril na cal.45 at naisugod pa sa Howard Hubbarad Hospital ay nakilalang si Tammy “Bong” Dawang Sr., dating reporter ng Catholic radio dxIP, kasalukuyang opisyal ng National Council on Indigenous People (NCIP) sa nasabing bayan at resi­dente ng Tuazon Subd. sa Barangay Poblacion sa bayan ng Polomolok, South Cotabato.

Sa ulat ng pulis-Polo­molok na isinumite sa Camp Crame, naitala ang krimen bandang alas-10 ng umaga kung saan ang isang ‘di- kilalang lalaki ang pumunta sa bahay ng bik­tima at nagkunwari claimant ng lupa at humihingi ng tulong.

Gayon pa man, habang papaalis ay bigla na la­mang nitong pinagbabaril si Dawang habang naka­talikod at duguang bu­magsak ang dating brod­kaster ng lokal na himpilan ng radyo sa General San­tos City.

May teorya ang pulisya na may kinalaman sa pa­mamaslang ang pagiging opisyal ng biktima sa NCIP.

Show comments