Ex-NPA chief itinumba

Cebu – Isang dating lider ng Front 2 Central Visayas Regional Party Committee na ngayon ay Kumiteng Rehiyon Sentral Bisayas ng New People’s Army ang itinumba ng dalawang ‘di pa nakikilalang lalaki sa harap ng isang botika habang bumibili ng gamot nuong Huwebes ng gabi sa Tagbilaran City, Bohol.

Nalagutan agad ng hininga ang biktimang si Ronald Sendrijas, 35, kasalukuyang secretary ng Barangay San Jose, Inabanga, Bohol, matapos barilin ng maraming beses sa batok at leeg sa harap ng Paz Pharmacy sa Gallares Street ng Barangay Poblacion 2 ng nasabing syudad. (Edwin Ian Melecio)

Show comments