2 tiklo sa pot session

ORMOC CITY, Leyte – Kalaboso ang binagsakan ng dalawang kalalakihan makaraang masakote ng pulisya sa pot session sa bakanteng lote sa Camella Homes Subdivision sa Brgy. Tambulilid, Ormoc City, Leyte noong Lunes ng gabi. Kinasuhan ng paglabag sa RA. 9165 ang mga suspek na sina Joedel Jabilles y Ysrael, 33, electrician, ng Ablen St., Brgy. Cogon at Alvin Aves y Coles, 34, ng Aquino Village ng nabanggit na ba­rangay. Ayon kay PCP3 chief P/SInsp. Federico Sanchez, nadis­kubre ang pot session matapos ipag­bigay-alam sa himpilan ng pulisya ng barangay tanod na si Efren Elejorde. Kaagad naman rumesponde ang mga operatiba ng PCP3 sa pamumuno ni SPO1 Abril Teodoro at PO1s Rex Tison, PJ Amas­cual, John Michael Uy, Jesus Pedrosa, Rene Siano, Dennis Mau­ring, Rusty Alvarado, Reno Diapolet and Jessie Holasca. Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang stik ng marijuana cigarettes, 2 nagamit na stik ng marijuana, 1 yunit ng Sony Eriksson cellular phone, plier at screw driver. (Roberto C. Dejon)

Show comments