ANGONO, Rizal – Napatay ang isang dating overseas Filipino worker (OFW) na nagpakilalang opisyal ng pulis makaraang mabaril dahil sa nang-agaw ito ng baril ng maaresto ng pulisya dahil sa pangongotong sa kahabaan ng Manila East Road sa Barangay San Isidro, Angono, Rizal, kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang napatay na si Norvin Ignacio Alarcon ng Brgy. Pantok sa bayan ng Binangonan, Rizal.
Si Alarcon ay nasapol ng bala sa ulo matapos tangkaing agawin ang baril ni P/Senior Insp. Arthur Masungsong, hepe ng Angono police.
Ayon sa ulat, nangongo tong sa mga drayber ng pampasaherong jeepney si Alarcon na naka-uniporme ng pulis hanggang sa makarating sa kaalaman ng pulisya.
Kaagad namang rumesponde ang mga pulis-Angono sa pangunguna ni Masungsong.
Dito na kinompronta ng pulisya si Alarcon saka inaresto at dinisarmahan subalit tinangkang agawin ang baril ni Masungsong habang isinasakay sa mobile car.
Narekober kay Alarcon, ang pekeng ID ng PNP, baril at hindi nabatid na halaga na pinaniniwalaang mula sa mga drayber ng jeepney. Edwin Balasa