Sasampahan ng kasong kriminal ng National Bureau of Investigation ang 186 barangay officials ng Western Samar dahil sa panghuhuwad ng kanilang mga dokumento para makapasa sa drug test.
Ayon kay NBI Head Agent Danielito Lalusis, hepe ng NBI-Samar District Office, sa 186 barangay officials ay 16 dito ang barangay chairmen; 20 ang opisyal ng Sangguniang Kabataan, at ang iba ay mga barangay kagawad na.
Ang pagsasampa ng kaso ng NBI ay bunsod sa reklamo ng natalong kandidatong barangay chairman na si Ester Herrera.
Isinumbong ni Herrera sa NBI na ang mga nanalo umanong barangay officials sa nagdaang October 29 Barangay at SK election ay pawang pineke lamang ang kani-kanilang dokumento para magkaroon ng drug test certification.
Sinabi pa ng NBI na kinopya lamang ng mga nanalong barangay officials sa naturang lalawigan ang kanilang mga papeles mula sa ibang dokumento para sa drug testing.
Ginamitan umano ng snowfake ng mga ito ang mga pangalan ng mga totoong may-ari ng dokumento at inilagay ang kani-kanilang mga pangalan.
Sasampahan ng kasong falsification of public document ang mga nasabing barangay officials. Maging ang mga opisyal umano ng Commission on Elections na tumang gap ng pekeng dokumento ay masusi din isasailalim sa imbestigasyon ng NBI. (Grace Amargo-Dela Cruz)