Tinodas ng kalabang Frat

CAVITE – Dead-on-the- spot ang isang binata matapos itong pagbabarilin sa ulo ng tatlong hindi pa nakikilalang suspek sa Imus, Cavite ka­ma­kalawa ng gabi. 

Kinilala ni P/Supt. Ulysses Cruz hepe rito, ang biktimang si Reynan Margallo 22, bi­nata, walang trabaho at residente ng P-11 Bahayang Pag-asa Subd. ng bayang nabanggit. Ka­sa­­lu­ku­yan na­mang pi­naghaha­nap ng ka­pulisan ang mga suspek na nakatakas matapos maisa­gawa ang krimen. 

Batay sa imbestigasyon ni P01 Randy Dela Rea may ha­wak ng kaso, dakong alas-11:30 ng gabi ng maganap ang insidente habang ang biktima ay nakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan na pawang mga miyembro umano ng True Brown Style Gang nang bigla na lamang bumulaga sa ka­nilang likuran ang mga suspek. 

Nabatid na armado ang dalawa rito na kung saan ay tanging si Margallo lamang ang magkasabay na pina­putukan sa ulo dahilan upang agaran itong mamamatay habang mabilis namang nagsitakas ang mga suspek. (Cristina Tim­bang)

Show comments