6 CPUs nabawi

MALOLOS CITY—Na­bawi ng pulisya ang anim sa sampung computer pro­cess units (CPU) na nina­kaw sa bahagi ng Malolos City, Bulacan matapos itong tangkaing ibenta sa Internet café.

Sa ulat ni P/Supt. Edwin Quilates, ninakawan ang Benjzky Cyber Café na pag-aari ni Angelo Pineda noong madaling-araw ng Biyernes sa Barangay Abangan, Norte, Marilao matapos  wasakin ang pad­lock at roll-up door ng na­sabing establi­simyento.

Natangay ng mga sus­pek ang 10-CPUs na nag­kakahalaga ng P120,000.

Sa follow-up operation ng pulisya, natuklasan na ang mga ninanakaw na CPUs ay ibinebenta sa Internet sa pamamagitan ng “tipid.com” kung saan ay isunusubasta ang mga computers parts.

Sinubukang bumili ng pulisya ng isa sa mga ibi­nebentang CPU sa ha­lagang P8,500 at positi­bong iyong kinilala ng bik­tima matapos makita ang serial number nito sa likod.

Dahil dito, sinalakay ng pulisya ang tindahang pag-aari ni Allan Suansing y Rey sa Kalye Tayuman sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa, at inaresto ang suspek.

Matapos mabawi ang anim sa ninakaw na CPU, pinag-aaralan ngayon ng pulisya kung kakasuhan ng robbery o paglabag sa anti-fencing law si Suansing. Dino Balabo

Show comments