Mayor kinasuhan

Subic, Zambales – Si­nampahan ng kasong ad­ministratibo sa Office of the Ombudsman ang isang municipal mayor dito dahil sa umanoy pang-iipit nito sa halagang P18 milyon pondo para sa relokasyon ng mga residente na labis na naapektuhan sa pag­tatayo ng isang shipyard na Korean-owned Hanjin Heavy Industries Corp.

Sa dalawang pahinang complaint-affidavit, ipinag­pa­paliwanag ng Task Force Hanjin si Subic Mayor Jeffrey D. Khonghun kung bakit hanggang sa ngayon ay ayaw ilabas nito ang pondong laan para sa proyekto ng relokasyon ng mga residente sa Sitio Agusuhin, Barangay Ca­wag, Subic, Zambales. (Jeff Tombado)

Show comments