3 bata dedo sa sunog

CAMP VICENTE, Laguna – Tatlong kabataan, kabilang na ang isang 11-buwan gulang na bata ang iniulat na namatay matapos makulong sa nasusunog nilang bahay sa bayan ng Silang, Cavite noong Martes. Kabilang sa mga namatay ay sina Patricia Jane Rico, 5; mga kapatid nitong sina John Edward, 2 at Justine James, 11-month old. Nakaligtas naman ang panganay na anak na si John Carlo, 6, subalit nagtamo ng minor burns sa kanyang katawan.

Ayon sa ulat, magkakasamang natutulog ang magkakapatid nang matabig ng isa sa mga ito ang gaserang-de-gaas at maglagablab ang buo nilang barung-barong bandang alas-5:30 ng hapon. Napag-alamang iniwan ng mga magulang ang mga bata para magtrabaho sa Silang Public Market kung saan nagtatrabaho ang kanilang ama bilang kargador. Dinala na sa Funeraria Paredes ang mga biktima samantalang isinugod naman sa pinakamalapit na ospital si John Carlo. (Arnell Ozaeta at Cristina Timbang)

Show comments