Ina nag-suicide dahil sa anak

May posibilidad na pinahiya sa ginawang pagnanakaw ng sariling  anak na lalaki kaya winakasan ng isang 38-anyos na misis ang kaniyang buhay matapos itong magbigti sa loob ng kanilang tahanan sa Zone 8, Barangay Cugman sa Cagayan de Oro City, ayon sa ulat.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nadiskubre ang nakabigting bangkay ni Thelma Fuentebella, na nagtataglay din ng sakit na cancer.

Ayon sa live-in partner ng misis na si Eugene Fuentebella, pinalayas niya ang kanilang 22-anyos na anak dahil sa pagnanakaw at pagbebenta ng mga nakaw na gamit. Nabatid na ilang  beses na rin hinimok ng biktima ang anak na magbagong buhay subalit hindi nito pinakikinggan ang ina dahil sa masamang impluwensya ng kaniyang barkada.

Bago naganap ang pagpapatiwakal ng biktima ay sinabi nito na mamatamisin pa niya ang mamatay kaysa malulong sa illegal na aktibidad tulad ng pagnanakaw ang kaniyang mahal na anak. Nakita sa bahay ang suicide note ng biktima kung saan nakasaad ang labis na pagmamahal nito sa anak at ang kahilingang agad siyang ilibing. (Joy Cantos)

Show comments