Piscal tinangkang patayin

LEGAZPI CITY – Isang piskal ang iniulat na hinaras matapos itong tutukan ng binaril ng isang senglot na lalaki sa Barangay 3 sa ba­yan ng Camalig, Albay ka­makalawa. Rehas na bakal ang binagsakan ng suspek na si Ernesto Malto Jr. ng Barangay Upper Gapo ng nabanggit na bayan. Sa­man­tala, nakilala naman ang biktima na si Atty. Wilfredo Guerrero, 42, may asawa, nakatalaga Provincial Pro­secutor’s Office sa Legazpi City at residente ng nasabing barangay. Napag-alamang kinakausap ng biktima ang isang nag­ngangalang Lilia Gomez sa harapan ng kan­yang bahay nang lapitan at tutukan ng baril ng suspek. Kaagad naman natabig ng biktima ang baril na ipuputok sana ng suspek at nagta­takbo patungo sa direksyon ng himpilan ng pulisya. Na­ka­hingi naman ng saklolo ang biktima hanggang sa ma­sakote ang suspek na lango pa sa alak nang dalhin sa presinto. Inaalam ng pulisya kung anong motibo ng suspek para tangkang patayin ang biktima. Ed Casulla

Show comments