Chopper bumagsak; 2 grabe

Dalawang crew ang grabeng nasugatan ha­bang tatlo pa ang naka­ligtas nang aksidenteng bumagsak ang isang Huey helicopter sa Tanay, Rizal kahapon ng hapon.

Sa inisyal na report, kinumpirma ni Lt. Gen. Horacio Tolentino, Commanding General ng Philippine Air Force ang insidente.

Ayon kay Tolentino, da­kong alas-2 ng hapon nitong Biyernes nang bu­magsak ang helicopter na magsasagawa ng re-supply mission ng maga­nap ang insidente.

Ang nasabing aircraft ay galing sa himpilan ng Philippine Air Force sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Pinalilipad ng pilotong sina Capt. Pinky Moises at ng co-pilot nitong si Lt. Pascua ang sasakyan nang maaksidente.  Dinala ang mga sugatan sa AFP Medical Center sa Quezon City para malapatan ng lunas.

Maliban sa pagsasa­bing dalawang crew ng helicopter ang nasugatan ay hindi natukoy ng heneral ang pangalan ng mga ito.  Isa pa sa mga lulan ng aircraft ay isang kasapi ng  Philippine Army. (Joy Cantos)

Show comments