2 tulak tiklo sa buy-bust

ORMOC CITY – Dalawang kalalakihan na pina­niniwalaang notoryus na tulak ng bawal na droga ang inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga pulis-Ormoc sa isinagawang buy-bust operation sa bahagi ng Mabini Street sa Ormoc City, Leyte kahapon ng madaling-araw. Kinilala ni P/Supt. Franco Simborio, deputy director ng OCPO, ang mga suspek  na sina Wilfredo Rosal y Obien, 40, cockpit bet collector, ng Brgy. Tambulilid at Crispin Labajo Jr., y Ochea, 32, ng Rizal Extension sa Brgy. Dist. 26.  Napag-alamang naging positibo ang impormasyong nakalap ng pulisya kaugnay sa pagtutulak ng dalawa kaya isinagawa ang operasyon. Naaktuhang iniaabot ng suspek ang droga sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer kaya arestado ang dalawa. Nasamsam sa dalawa ang ilang plastic sache ng shabu at P500 mark money na ginamit sa operasyon. Kasalukuyang nasa PNP crime lab sa Kamp Ruperto Kangeleon sa bayan ng Palo, Leyte, ang dalawa para sumailalim sa medical examination. Kabilang sa pulis na tumayong lookout ay sina PO3 Alberto Pepito, PO2 Jonathan Tomada, PO1 Romeo Blanco at  Manny Rodriguez. Roberto C. Dejon

Show comments