2 eroplano nagsalpukan

CAMP CRAME – Patay ang isang piloto habang kritikal naman ang isa pa makaraang magsalpukan ang dalawang maliit na eroplano habang nagi-spray ng kemikal sa banana plantation sa Davao del Norte kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Capt Rico Cahucom at ang nasugatan ay si Capt Lim­bert Laguda na kap­wa spray pilot sa nabanggit na plantasyon na pag-aari ng pamilya Soriano.

Si Cahucom ay idinek­larang patay sa Kapalong District Hospital matapos na masunog at magka­hiwa-hiwalay ang eroplano nito sa ere.

Ayon kay P/Chief Insp. Michael Tulen, hepe ng pulisya sa bayan ng Ka­palong, naganap ang in­sidente sa malawak na banana plantation na sakop ng Purok Lower Mabini sa Poblacion dakong alas-7:30 habang patapos na ang isinasagawang aerial spray.

May teorya ang mga imbestigador na namis­kalkula ng dalawang piloto ang pagmamaniobra ng eroplanong single seater kaya naganap ang tra­hedya.

Patuloy naman  iniim­bestigahan ng mga awto­ridad ang naganap na salpukan. (Dagdag ulat ni Ellen Fernando)

Show comments