Nursing aide kinatay ng lover

CEBU – Brutal na ka­matayan ang sinapit ng isang 30-anyos na nursing aide makaraang pag­tulungang saksakin ng dalawang lalaki kabilang ang kan­yang dating lover sa ancestral house ng una sa Barangay Duljo-Fa­tima, Cebu City, ayon sa ulat kahapon.

Nakilala ang nasawi na si Raul Roy Vargas, binata, nursing aide sa Mactan Doctor’s Hospital at residente ng Natalio Bacalso Avenue sa na­banggit na barangay.

Tugis naman ng pang­­kat ni PO1 Emma­nuel Aragon, ang suspek na si Jerlan Rodriguez ng Sitio Bohol Village ng na­banggit na barangay  at isa pa na hindi nabatid ang pangalan.

Ayon sa pulisya, na­tagpuan ni Melbourne Nuñez, ang bangkay ng kanyang pinsang si Var­gas sa ancestral house nito noong Biyer­nes ng gabi (Nov. 16).

Sa salaysay ni Nuñez at ng kapitbahay na si Joseph Estilamado, huli nilang namataan buhay ang biktima na nasa loob ng bahay at nakikipag-inu­man ng alak kay Ro­dri­guez at isa pang lalaki noong Huwebes ng gabi (Nob. 15).

Ayon sa ulat, simula noon ay hindi na luma­bas ng bahay si Vargas kaya pinuntahan ni Nuñez para usisain.

Narekober  naman ng pulisya sa crime scene ang isang matalim na gun­ting, putol na kutsilyo at mga damit na duguang nagkalat sa sala, paliku­ran at  sa kuwarto ni Var­gas.

Wala naman nawala sa mga gamit ng biktima at kasalukuyang sinisilip ang tunay na killer ni Vargas at motibo ng pamamaslang.

Show comments