Inambush at nasugatan ng hindi pa nakikilalang mga armadong lalaki ang Regional Director ng Sala’am (Muslim) Police matapos na pagbabarilin sa harapan ng tahanan nito sa Biñan, Laguna kamakalawa ng gabi.
Kasalukuyan ngayong nilalapatan ng lunas sa Perpetual Help Medical Center sa Brgy. Sto. Niño, Biñan ang biktimang kinilalang si Supt. Adjarae Jasani, 55-anyos, may-asawa at residente ng Macaria Village, Brgy. San Francisco ng nasabing bayan. (Joy Cantos)