Buntis, 3 pa minasaker sa Taytay

CAMP CRAME – Brutal na kamatayan ang sinapit ng apat-katao kabilang na ang isang buntis na misis maka­raang gulpihin at pahirapan hanggang sa mapatay ay isinako saka itinapon sa basurahan sa Barangay San Juan, Tay­tay, Rizal kahapon ng umaga.

Bandang alas-5:30 ng umaga nang matagpuan ng mga basurero sa Tapayan Bridge ang bangkay ng mga biktimang nakasako at kasalukuyang bineberipika pa ang pagkikilanlan ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na pinaniniwa­laang magkakapamilya.

Kabilang sa mga biktima ay dalawang babae, isa rito ay apat hanggang limang buwang buntis pa  na  nasa mid 20’s ang edad at da­la­wang lalaki na nasa pagitan ng 35 hanggang 40-anyos.

Sa salaysay nina Mandy  Saulog at  Joven  Gonza­les,  kapwa kawani ng  Tay­tay  Municipal  Hall na ta­gahakot ng  mga  basura  sa  lugar, natagpuan ang mga bangkay sa tambakan ng basura sa Sitio Tapayan, Lupang Arienda.

Ang buntis na biktima ay nakasuot ng maong na pantalon at kulay puting t-shirt habang ang isa pang babae ay nakasuot ng dilaw na leggie at bulak­laking kulay pink na blouse.

Samantala, ang dala­wang lalaki ay  nakasuot na­man ng  maong  na pan­ta­lon  at  kulay  itim  na  t-shirt habang ang isa ay  stripe  na  itim  at  puting T-shirt.

Ayon kay PO2 Arnold Timan, imbestigador sa kaso,  nakagapos ang  mga ka­ may  at  paa  ng  mga  bik­­tima habang tinakpan ng masking  tape  ang  mga  bibig  at  ilong.

May palatandaang pina­­hirapan muna ang mga biktima bago pinaslang at inilagay sa itim na plastic garbage bag.

Sinabi naman ni P/ Supt. Jaime  Piloneo, hepe ng Taytay  PNP,  na  posibleng dinukot at pinatay sa  ibang lugar ang mga bik­tima saka itinapon sa na­turang lugar para ilihis ang im­bestigasyon.

Show comments