Landlord inambus, todas

KIDAPAWAN CITY–  Pinagbabaril  ng tatlong ar­madong lalaki ang isang landlord na tiyahin ng isang kilalang abogado sa Pikit, North Cotabato habang sakay ng motorsiklo pauwi ng kanilang bahay sa may Fort Pikit, dakong alas-4:35 ng hapon noong Lunes.

Dead-on-arrival sa os­pital si Milagros Lava­rias-Gornez, 69, may-ari ng ma­lawak na lupa sa Pikit at tiyahin ng isang matinik na lawyer sa North Cotabato na si Atty. Emmanuel Gor­nez Ferenal.

Ayon sa report ni Sr. Insp. Elias Dandan, hepe ng Pikit PNP, sakay si Mrs. Gornez sa XRM motorcycle na minamaneho ni Atty. Ferenal nang tamba­ngan ng mga suspek sa may sitio Saguing, Ba­rangay Gina­tilan, Pikit.

Pauwi na ang dalawa pagkatapos bisitahin ang lupa ni Gornez sa may Ba­rangay Panicupan, isang ma­layong barangay sa Pikit, nang parahin ng mga suspek.

Agad pinababa ang dalawa at binaril nang tat­long beses si Mrs. Gornez. Tinangka pang bari­lin si Atty Ferenal pero nakatakbo ito.            Pagkatapos ng pamamaril ay tinangay ng mga lalaki ang motorsiklo na ginamit nila sa kanilang  pagtakas.

Dead-on-arrival si Gor­nez nang isugod sa ospital, ayon kay Sr. Insp. Dandan.

Na-recover ang motor­siklo ni Atty. Ferenal sa may Barangay Gocotan, da­kong alas-5:40 ng hapon kaha­pon, kaya’t nag-conclude ang mga pulis na hindi pagnanakaw ng mo­torsiklo ang motibo sa krimen.

Lumabas sa imbesti­gasyon ni Dandan na ang talagang pakay ng mga salarin ay si Mrs. Gornez at hindi si Atty. Ferenal.  Gun-for-hire ang mga killer na posibleng  tumira kay Gor­nez, ayon kay Dandan. (Malu Cadelina Manar)

Show comments