NUEVA ECIJA – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang kandidato sa pagka-barangay kagawad ng mga ‘di-kilalang kalalakihan habang ang biktima ay nangangampanya sa Barangay Tabuating, San Leonardo, Nueva Ecija, kahapon ng umaga. Sa ulat ng pulisya, apat na bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Numeriano Sapiandante, 51, dating barangay captain sa Barangay Tagumpay ng bayang nabanggit bago lumipat ng tirahan sa Barangay Tabuating. Agad na tumakas ang mga armadong kalalakihan sakay ng motorsiklo. Malaki ang paniniwala ng mga kamag-anak ng biktima na pulitka ang isa sa motibo ng krimen at ito ang kaunaunahang insidente ng karahasan sa Nueva Ecija sa unang araw ng kampanya para sa 2007 barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 29. Christian Ryan Sta. Ana