CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Aabot sa milyong ari-arian ang nawasak makaraang sunugin ng mga rebeldeng New People’s Army ang cell site ng Globe Telecom sa Barangay Sibujo sa bayan ng Libmanan, Camarines Sur kahapon ng umaga. Bandang alas-10:45 ang umaga nang salakayin ng mga rebelde ang cell site saka dinisarmahan ang nag-iisang security guard. Binuhusan ng gasolina ang generator at mga gamit sa loob ng cabin bago sinilaban. Ayon kay P/Senior Supt. Baligi Agnanayon Tira, hindi naman sinaktan ang guwardiya bagkus ay tinangay lang ang celfone at baril nito. Pinaniniwalaan namang hindi nakapagbigay ng revolutionary tax ang may-ari ng cell site. Ed Casulla