Nene ni-rape slay ng adik

RIZAL —  Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang batang babae matapos na ga­hasain at pasla­ngin ay isi­nako’t itinapon sa balon ng mga adik sa droga kung saan na­tag­puan ang bangkay nito kahapon ng umaga sa Sitio Lupang Arienda sa bayan ng Taytay,  Rizal.

Bandang alas-10:40 ng umaga nang mama­taang lumutang ang sako na naglalaman ng bangkay ni Mary Grace Alfonzo, 8, ng Block 21, Sitio Lupang Arienda ng nasabing bayan.

Ayon kay Sr. Supt. Freddie Panen, Rizal Provincial Director, na­iulat na nawawala ang biktima noon pang Bi­yernes ng gabi kaya ipi­nagbigay-alam sa him­pilan ng pulisya.

Sa kasalukuyan ay may dalawang suspek na pinaghahanap ang pulisya na pawang mga kapitbahay ng pamilya ng biktima dahil bigla na lang itong nawala sa kanilang lugar noong Sabado ng umaga.

Hindi naman muna ipinalabas ng pulisya ang pangalan ng mga suspek upang hindi mabulabog sa kanilang pinagtataguan habang isinasagawa ang follow-up operation ng pulisya. Edwin Balasa

Show comments