CAMP SIMEON OLA Legazpi City — Dalawang miyembro ng rebeldeng New People’s Army ang nasawi sa pakikipagsagupaan sa mga sundalo ng 2I IB ng Philippine Army kahapon ng umaga sa Sitio Pagdiwitan, Barangay Toytoy, Garchitorena, Camarines Sur.
Nakilala ang nasawing rebelde na sina Victor Corporal, 35 at Billy Alarcon, 49, kapwa residente ng Barangay San Roque sa naturang barangay.
Ayon kay 2Lt. Nelton Facudan, team leader ng mga sundalo, nagpapatrulya sila sa Sitio Pagdiwitan nang makasagupa nila ang may 20 rebelde.
Ang bangkay ng dalawang nasawing rebelde ay kaagad naman na dinala sa himpilan ng pulisya upang ibigay sa kani-kanilang mga pamilya. (Ed Casulla)