Pari itinumba sa kumbento

CAMP CRAME    Ma­ging ang kumbento ay hindi na iginalang ng mga pusakal na kriminal kung saan pinaslang ang isang pari ng Iglesia Filipina Reform Group (Alpha/Omega) na isa ring lider ng katutubong Lumad sa isa na namang ka­ra­hasang naganap sa bayan ng San Miguel, Surigao del Sur kamakalawa ng umaga.

Nagkabutas-butas ang katawan ni Datu Basilio Bau­tista Luna, 52, samantala, nabigo naman ang ilang tes­tigo sa pamamaril na ma­muk­haan ang gunman dahil nakatalikod itong lumayo sa crime scene.

Sa ulat ng Surigao del Sur Provincial Police Office, na­ganap ang pamamaslang sa kumbentong pinagliling­kuran ng biktima sa Purok 3, Ba­rangay Bolhoon pasado alas-7 ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon,  ilang minuto matapos ang krimen ay namataan ang isang lalaki mula sa loob ng kumbento na lumalakad na may hawak na baril.

May teorya ang pulisya na pagnanakaw ang isa sa motibo ng krimen dahil nawa­wala ang mahahalagang kagamitan ng biktima kabi­lang ang P1,500, celfone at mga dokumento na pag-aari ng simbahan.

Nabatid na  maliban sa pagiging lider ng katutubong Lumad ay isa ring kila­lang akti­bong volunteer ang bik­tima sa isang presinto ng pulisya sa kanilang komuni­dad. Patuloy naman ang im­bes­tigasyon sa naganap na krimen.

Show comments