Karnaper ng SUV ng actress tiklo

CAMP CRAME — Bu­mag­sak sa kamay ng mga tauhan ng PNP-Traffic Ma­nagement Group (PNP-TMG) ang itinuturing na high profile carnapper na tuma­ngay sa sports utility vehicle (SUV) ng actress na si Shirley Fuentes  sa isina­gawang operasyon sa Mac­Arthur Highway sa bayan ng Marilao, Bulacan kamaka­lawa ng gabi.

Nabatid na minamaneho ng suspek na si Raymond Do­minguez kasama si Jo­celyn Alvaro, 24, ang kulay itim na Mazda 3 na may plakang ZAH 288 nang ma­ispatan ng mga operatiba.

Nang inspeksyunin ng mga tauhan ni P/Senior Supt. Jesus Manubay, ang loob ng sasakyan ay nasamsam ang anim na plastic sachets ng shabu, dalawang baril, hand­held radio, radio antenna at Sony digital camera saka iba pang gamit na pag-aari ng actress na si Fuentes.

 Ayon kay PNP-TMG Director Chief Supt. Perfecto Palad, ang  Honda CRV (XHS 573) ni Fuentes ay kinarnap ng tatlong arma­dong kalalakihan sa harapan ng bahay ng actress sa St. Francis Village, Meycaua­yan, Bulacan noong Martes ng Oktubre 2.

Sa tala ng PNP-TMG, ang grupo ni Dominguez ay sang­kot sa 25 kaso ng carjacking sa Bulacan.

Kabilang sa mga sasak­yang kinarnap ng grupo ni Dominguez ay ang Honda CRV (ZAH 288) ni Rodolfo Flores sa Lolomboy, Bocaue, Bulacan noong Setyembre 22. Isuzu Sports Revo ni Alicia Roxas noong Set­yembre 13 sa Bocaue , Bula­can at ang Toyota Hi-Ace van ni Hilario Angeles sa Baliuag, Bulacan noong Sept. 26.

Sa isinagawa namang raid sa tahanan ni Domin­guez  sa Iba East, Calumpit, Bulacan ay narekober ang iba pang kinarnap na sasak­yan na kinabibilangan ng Toyota Altis (XRE 237), Toyota RAV-4 na walang plaka, MITS Pajero (GTD 410) Suzuki MPV (ZAW 527), BMW (RHC 222), MITS Lancer (XAY 119) at ang MAZDA 3 (ZAH – 288).

Ayon kay Palad ang mga kasamahang carjacker ni Raymund na sina Leopoldo Dominguez, Gilbert Mercado at si Charlie Cortez ay nasa­kote na noong Marso 1, 2006. Joy Cantos

Show comments