Pamangkin ng ex-mayor itinumba

CAMP MIGUEL MAL­VAR, Batangas — Isang 31-anyos na pamangkin ng ex-mayor ang tinambangan at napatay ng dalawang di-kilalang kalalakihang sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng General Carpio Street sa Barangay Kumintang, Ba­tangas  City kahapon ng ma­daling-araw.

Kinilala ni P/Supt. Christopher Tambu­ngan, hepe ng pulisya sa Ba­tangas, ang biktima na si Jerry Chua ng Sitio 2, Ba­rangay Balanga, Ibaan, Ba­tangas at plant manager ng Comeo Logistics Services Philippine Corp. sa bayan ng Sto. Tomas. Si  Chua ay pa­mangkin ni ex-mayor Artemio Chua ng bayan ng Ibaan.

Sa imbestigasyon, sakay si Chua ng kanyang Honda CRV (WTL-224) nang hara­ngin at pagbabarilin habang binabagtas ang nabanggit na kalsada bandang alas-2:20 ng madaling-araw. Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang motibo at kung sino ang nasa likod ng krimen. (Arnell Ozaeta)

Show comments