CAMP OLIVAS, Pampanga — Nailigtas ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU3), ang isang 19-anyos na babae sa kamay ng sindikato ng white slavery makaraang salakayin ang kuta ng grupo sa Barangay Manibaug sa bayan ng Porac, Pampanga, noong Martes. Ayon kay P/Senior Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, CIDU3 regional officer, ang biktimang si Teresita Abrea ay dinukot noong Pebrero 7 kung saan itinago ng anim na buwan bago naisalba. Hindi naman inabutan ng mga awtoridad ang suspek na si Rolando Babor habang nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development ang biktima habang hinihintay ang mga magulang mula sa Palawan. (Ric Sapnu.)