RIZAL – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang babae makaraang halayin at gulpihin ay dinikitan pa ng rugby ang ari ng biktima ng isang adik sa droga sa loob ng sementeryo sa bayan ng Rodriguez, Rizal kamakalawa.
Nasa Amang Rodriguez Medical Center ang isang ’di-kilalang biktima ng rape na may taas na 4’8 hanggang 5’2, nakasuot ng kulay asul na t-shirt at itim na shorts at may katamtamang pangangatawan.
Ayon kay P/Senior Supt. Freddie Panen, matapos isagawa ang follow-up operation ng pulisya, nasakote naman ang suspek na si Anthony Rebane ng Sitio Sabah, Barangay San Jose ng nabanggit na bayan.
Napag-alamang natagpuan ang biktima na wasak ang mukha at halos lumuwa ang dalawang mata dahil sa matinding pananakit ng suspek sa loob ng sementeryo sa Mariano Compound.
May teorya ang pulisya, na posibleng ginawa ang krimen noong Linggo ng gabi hanggang kahapon ng madaling-araw bago natagpuan bandang alas-7 ng umaga. (Edwin Balasa)