Mag-asawang Hitgano ipapatawag ng NBI

Ipapatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) ang  dating alkalde ng Trento sa Agusan del Sur na si Esco­lastico “Eti” Hitgano Sr. at ang asawa nitong si incumbent Mayor Irinea “Nene” Hitgano para sagutin ang ale­gasyon ng self-confessed killer na si Elmo Numancia.

Ayon kay NBI Agent, Atty. Aristotle Adolfo, padadalhan ng subpoena ang mag-asa­wang Hitgano at ang iba pang indibiduwal na sangkot sa na­banggit na kaso sa darating na Huwebes upang sagutin ang mga alegasyon ni Numancia.

Una ng ibinunyag ni Nu­man­cia sa NBI-Anti Organizad Crime Division na isa siya sa mga hitmen ng dating alkalde na isinasangkot sa serye ng pa­tayan sa nabanggit na lalawigan.

Sinabi ni Adolfo na “Kina­kailangan na sagutin ng mag-asawang Hitgano ang ale­gasyon ni Numencia upang mag­karoon ng pagkakataon na makapaglabas din ng ebidensiyang pabor sa kanila.

Gayon pa man, sinabi ni Adolfo na kinakailangan mu­nang makakuha ng referral mula sa Department of Justice (DoJ) upang pormal na ma­ihain ang kasong multiple murder at kidnapping sa maba­bang korte.

Samantala, nagbanta na­man ang mag-asawang Hit­gano na magsasampa ng ka­song libelo laban sa mga tabloid na nagpalabas ng ulat na isinasangkot sila sa serye ng patayan sa nabanggit na bayan dahil sa paglutang ng self-confessed killer na si Numancia sa NBI. Pinabula­anan naman ng mag-asawa ang akusasyon ni Numancia. (Grace dela Cruz at Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments