32 eroplano nag-emergency landing sa Subic

SUBIC BAY FREEPORT — Tatlumpu’t-dalawang pam­pa­sa­herong eroplano mula sa Hong Kong at Taiwan ang pan­sa­man­talang lumapag sa Subic Bay International Airport ka­makalawa upang umiwas sa nakatakdang pagpasok at paghagupit sa kanila ng bag­yong “Egay” na ngayon ay isang super typhoon.

Lumapag sa runway ng SBIA ang commercial plane na Far Eastern Air Transport MD80 ng Taiwan at ang higan­teng courier cargo ng Federal Express (FedEx) at  ang 18-eroplano nakabase sa Hong Kong ang inaantabaya­nan na ng airport personnel.

Dalawa sa labing-apat na eroplano ang nagsimulang lumapag sa runway ganap na alas-2 ng hapon  sa paliparan ng Subic Bay na may kabu­uang 22-crew na ngayon ay naka-billeted sa mga hotel sa Freeport.  Jeff Tombado

Show comments