Retiradong airline designer tinodas

BATANGAS — Isang Kano na retiradong airline designer ang pinagnakawan at pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ng mga ’di-kilalang kalalakihang nanloob sa bahay ng biktima sa Barangay Bucana, Na­sug­bu, Batangas kamaka­lawa ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Supt. David Quimio, Batangas police director, ang biktimang si Harold Adams, 96 at kasa­lu­kuyang naninirahan sa # 20 Maligaya Beach ng nabang­git na barangay.

Ayon sa ulat, bandang alas-9:45 ng gabi nang ma­tagpuang patay ang biktima ng kanyang asawang si Nonalita Toledo-Adams sa loob ng kanilang master’s bedroom pagdating nito mula sa Maynila.

Isinugod pa sa Nasugbu Doctor’s Hospital ang biktima pero idineklara na itong dead-on-arrival ni Dr. Robert Rodriguez dahil sa dami ng tinamong saksak nito sa kanyang katawan. Umaabot naman sa halagang P.1milyon ari-arian at cash ang natangay ng mga magnanakaw habang inaalam pa ng mga awtori­dad ang mga pagkakaki­lanlan. (Arnell Ozaeta)

Show comments