Pader gumuho: 5 sugatan

RIZAL – Sugatan ang  limang magkakapatid makaraang gumuho ang bakod ng subdivision na tumabon sa bahay ng mga biktima sa Sitio Ma­ligaya, Barangay Mam­buyan sa Antipolo City, Rizal noong Mi­yerkules ng madaling-araw. Ayon sa Regional Disaster Coordinating Council. Kabi­lang sa mga nasaktan ay sina Arlene Ararong, 25; Ameriza, 21; Armida, 23; Angelo, 17; at si Adrian, 20, ayon kay P/Supt. Danilo Macerin, police chief ng Antipolo City. Ban­dang alas-4 ng umaga nang gumuho ang kon­kretong bakod ng Brent­wood Subdivision na tu­mabon sa bahay ng mga biktimang  natutu­log. Lu­mitaw sa inisyal na pag­sisiyasat, bumigay ang pondasyon ng bakod matapos tangayin ng tubig baha dahil sa wa­lang tigil na ulan. Mabilis namang nagresponde ang mga kinauukulan at mga resi­dente ng subdivision para hugutin ang magka­kapatid mula sa gumu­hong pader. Edwin Balasa

Show comments