28 katutubo nadale ng malaria

LUCENA CITY — Uma­abot na sa 28- katutubong Dumagat sa Barangay Umiray, General Nakar, Quezon ang nadale ng ma­laria at ma­la­mang na lumubo pa ang bilang ng mga biktima kung hindi ka­agad aaksyon ang lokal na pamahalaan.

Dahil dito ay naalarma ang tanggapan ni Vice Governor Kelly Portes at inatasan ang municipal health office na mag­sagawa ng agarang medikas­yon. Nang makarating kay Governor Raffy Nantes, ang ulat ay inatasan nito ang pro­vincial health office sa pangu­nguna ni Dr. Romeo Maaño na magpadala ng mga doktor at gamot upang masuri agad ang mga biktima ng malaria.

Hindi pa naman idine­deklara ng provincial health office na outbreak ang na­sabing sakit hanggat hindi pa nakakakuha ng sapat na impormasyon. 

Kumalat ang ulat ma­tapos na iparating sa Sangguniang Panlalawigan ni Elizabeth Ramos, tribal chieftain.  Ang malaria ay sakit na nagmula sa para­site na dala ng Anophetes mosquito na karaniwang na­ma­malagi sa subtropical at tropical regions. (Tony San­doval)

Show comments