CAMP VICENTE LIM, Laguna — Matapos sa Los Baños na nasundan sa bayan ng San Pedro ay may panibagong gang rape naman sa Biñan, Laguna noong Huwebes.
Ayon kay P/Senior Supt. Felipe Rojas, Laguna police director, isang 16-anyos na estudyante na itinago sa pangalang “Marie ng Barangay Dita, Sta. Rosa, Laguna ay pinilahan ng anim na kalalakihan sa Barangay Malaban, Biñan, Laguna noong Huwebes ng hapon.
Si Marie ay inimbitahan ng kanyang kaibigang si Chenita “Bubbles” Tan, 30, sa fiesta celebration sa bahay ng isang Wency sa nasabing barangay noong Huwebes pa lang ng umaga.
Napag-alamang nakilala ng biktima, si Angelita Reyes at anim pang kalalakihan hanggang sa silay magkainuman ng alak, hanggang sa umalis na sina Angelita at Bubbles sa grupo at iniwang nag-iisang babae si Marie sa anim na kalalakihang hindi pa nakikilala hang gang sa kasalukuyan.
Nang malasing si Marie, ay sinamantalang pilahan ng anim na suspek bandang alas-3 ng hapon hanggang sa makauwi ang dalagita at ipinagbigay-alam sa mga magulang ang sinapit nito sa kamay ng anim na gahaman sa laman.
Sa resulta ng medical examination, positibong hinalay ang biktima kaya nagreklamo sa himpilan ng pulisya at kaagad naman naaresto sina Angelita Reyes at Chenita “Bubbles” Tan dahil sa pakikipagku tsaba sa mga suspek na ngayon ay tinutugis.
Matatandaang katatapos lang maganap ang gang rape sa Tanauan City, Batangas at Los Baños, Laguna noong Hulyo 1 at Hulyo 18 , na kaagad namang nasundan sa bayan ng San Pedro, Laguna noong Hulyo 20. Arnell Ozaeta at Joy Cantos