Doktora sinaksak sa ospital

CAMP CRAME — Bayo­lenteng krimen ang sinapit ng isang doktora matapos saksakin ay pinagbabaril ng ’di-kilalang lalaki sa harapan ng pinagsisilbihan nitong ospital sa Kabankalan City, Negros Occidental, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ng pulisya ang biktimang nasa kritikal na ka­lagayan na si Dr. Geor­gina Ofanda ng Gomer­sendo Garcia Memorial Dis­trict Hospital sa Barangay 3 ng nabanggit na lungsod.

Base sa naantalang ulat, bandang alas-5 ng hapon noong Huwebes nang ma­ganap ang krimen.

Napag-alamang tuma­tawid sa kalsada ang bik­tima nang lapitan at sak­sakin  saka pagbabarilin ng nag-iisang ’di-kilalang lalaki.

Nadala pa sa nabanggit na ospital ang biktima, subalit inilipat din sa Ba­colod Adventist’s Hospital sanhi ng maselang kala­gayan.   

Sinabi naman ni Kaban­kalan  City  Police  Director, P/Supt. Calixto Mabugat, posibleng personal na alitan ang motibo ng krimen ha­bang sinisilip rin ng mga im­bestigador kung may kina­laman sa trabaho ng bik­tima. Joy Cantos

Show comments