4 dedo sa road mishap

BULACAN  – Apat-katao ang iniulat na nasawi sa naganap na magkahiwalay na sakuna sa bayan ng Gui­guinto, Bulacan kung saan bumangga ang tray­sikel at motorsiklo sa dala­wang 10-wheeler truck kamakalawa.

Kinilala ni P/Supt. Ronald De Jesus, ang mga bikti­mang sina Mario Gonzales, 27, ng Masagana Homes, Phase 3, Brgy. Tabang; Reynaldo Ma­nangan, Ajerico Medio na kapwa kawani ng Flavor Foods Corporation at si Ro­nino Dimagiba, 24, ng Brgy. Panginay, Balagtas, Bulacan.

Kasalukuyang buma­bagtas sa Cagayan Valley Road sa Brgy. Sta. Cruz ang traysikel (KN-6255) ni Mario Gonzales sakay ang apat pang kalalakihan nang kainin nito ang kasalubong na linya at sumalpok sa 10-wheeler truck (WLZ-945) ni Allan Figueroa, 27.

Agad na nasawi sina Gon­zalez, Manangan at Medio, samantalang naka­ligtas na­man sina Jessie Gamos at Nelson Cruz.

Samantala, isa pang aksi­dente ang naganap sa Mac­Arthur Highway na sakop ng Barangay Tuktu­kan kung saan isang motor­siklo ang su­ mal­pok sa isang 10-whee­ler truck.

Ayon sa pulisya, imina­maniobra ni Larry Cailipan, ang 10-wheeler truck  na may plakang RDH-736 nang bu­mangga sa likuran ng truck ang motosiklo ni Di­magiba na ikinasawi nito.

Nakaligtas naman ang kaangkas ni Dimagiba na si Randy Silungan ng Brgy. Pulong Gubat, Guiguinto. Dino Balabo/Ric Sapnu

Show comments