3 dedo sa  kontaminadong pagkain

CAMP VICENTE LIM, Laguna — Tatlo-katao ang kumpirmadong namatay habang lima pa ang inoob­serbahan sa ospital maka­raang malason sa konta­minadong pagkain na ini­handa sa babang-luksa ng kanilang kaanak noong Linggo ng gabi sa bayan ng Sta. Cruz, Marinduque.

Kabilang sa namatay ay sina Paquito Mendiola, 66; Sabino Pastoral, 53 at si Lui­ sito Rioflorido, 51, pawang mga residente ng Sitio Pag-asa, Barangay Masaguisi ng nabanggit na bayan.

Sina Mendiola at Pastoral ay namatay habang gina­gamot sa Sta. Cruz District Hospital, samantalang si Rioflorido naman ay kinarit ni kamatayan habang nakara­tay sa sariling tahanan.

Nasa SCDH naman sina Romeo Ramento, 33; Eder­linda Mendiola, 56; Basilia Guhiting, 63; Melquides Rodil, 49; at si Corazon Pastoral.

Lumitaw sa pagsisiyasat na isinumite kay P/Senior Supt. Diosdado Valeroso, Marinduque police director, dumalo ang mga biktima sa paggugunita ng ika-isang taong anibersaryo ng kani­lang kaanak (babang-luksa).

Matapos ang maikling paggunita sa yumaong ka­anak ay halos magkaka­sa­bay na kumain ng hot cakes, pansit, fried tulingan, karne at ginataang isda na ini­handa sa bahay ni Paquito Mendiola.

Matapos makakain ang mga biktima, nakaramdam na ng pananakit ng tiyan, pag­kahilo, pagsusuka at paninikip ng dibdib bandang alas-11:30 ng gabi na nag­bunsod para itakbo sila sa nabanggit na ospital.

Kasalukuyang sinusuri ng mga kinauukulan ang food samples at mga inilabas na suka ng mga biktima para matukoy kung kontaminado ng bacteria ang pagkain na nakalason.

Show comments