Pulis, 2 sibilyan, patay sa ambush

Camp Vicente Lim, Laguna — Isang pulis at dala­wang kabataan ang napatay matapos tamba­ngan ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army sa Taytay, Pala­wan kamakalawa  ng hapon.

Kinilala ni Region 4-B Police Director Chief Superintendent Napoleon Ca­chuela ang mga nasawing biktima na sina PO3 Satur­nino Lazo ng 413rd Police Provincial Mobile Group (PPMG); Jennifer Cortes, 13; at kapatid nitong si An-an, 7, pawang residente ng Taytay.

Nasugatan naman ang ina ng magkapatid na Cortes na si Nilda at Police Officer Walter Gapuz na kasalu­kuyang nag­papagamot sa Palawan Ad­ven­tist Hospital.

Nabatid na nakisakay lang ang mga sibilyang bik­tima sa sasakyan ng PPMG habang bumabagtas ito sa isang daan sa natu­rang lugar nang tam­bangan at pag­babarilin sila ng mga rebelde. Arnel Ozaeta at Ed Amoroso

Show comments